Drayber sa Cauayan City Isabela, Arestado!

234

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang drayber sa lungsod ng Cauayan matapos na isinilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Christopher Albayda Hilario, 43 taong gulang,may asawa, driver at residente ng nasabing lugar.

Kasong Attempted Murder ang kinasangkutan ni Hilario at ang warrant of arrest nito ay ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City.

Makakalaya lamang si Hilario kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00.

Ang akusado ay dinala sa CIDG Isabela Police Force Unit para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments