Magsasaka sa City of Ilagan, Patay Matapos Pagbabarilin ng Riding in Tandem!

1541

*City of Ilagan, Isabela- *Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang riding in tandem na suspek pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ronald Cabansag, 50 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, habang nagpapa-vulcanize ng sasakyan ang biktima ay sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Nakatakbo pa ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Ilagan hinggil sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Facebook Comments