DREAM COME TRUE | Judy Ann Santos, ipinagluto ang mga Pilipinong madre sa Vatican City

Vatican City – Dream come true para kay Judy Ann Santos ang gastronomic trip nito kamakailan sa Vatican City.

Sa Instagram post ni Juday, ibinahagi ng aktres ang naging karanasan nila ng mister na si Ryan Agoncillo kung saan ipinagluto nila ang mga Pilipinong madre sa Vatican.

Sa caption, sinabi niya na isa sa mga pangarap niya na maipagluto ang mga madre na inaalagan siya ng dasal at pagmamahal.


Pero hindi raw niya akalain na magagawa pa niya ito sa loob ng Vatican.

Kaya para kay Juday, priceless ang naturang experience na kahit kailan ay hindi raw mapapalitan ng kahit anong outlet shops.

Dalawang araw bago ipagluto ang mga madre, nag-aral pa muna sina Juday at Ryan kung paano gumawa ng handmade pasta.

Matatandaang kapwa nag-aral ng professional cooking course sina Juday at Ryan sa Center For Asia Culinary Studies.

Facebook Comments