NATUPOK |18 patay, 5 sugatan sa sunog sa Guandong, China

China – Labing walo ang patay at lima ang sugatan sa sunog na naganap sa Guandong, China kaninang madaling araw.

Walang pang tatlumpung minuto ang itinagal ng sunog na tumupok sa tatlong palapag na gusali ng isang karaoke bar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog. Hinala ng mga pulis, arson o sinadya ang insidente.


Iniimbestigahan din kung may naging pagkukulang sa pagpapatupad ng fire safety measures ang may-ari ng gusali.

Facebook Comments