Dream house ni Julia Barretto, patapos na

Sa kanyang Instagram post noong May 21, nagbigay ng sneak peek si Julia Barretto ng kanyang ipinapatayong bahay.


Makikita sa larawan na nakaupo si Julia sa gitna ng istruktura na siya ring isinulat niya sa caption: “That’s me sitting on the 1st floor…”
Nag-umpisa ang pagpapatayo ng kanyang bahay noong Oktubre ng 2017, kung saan nag-post ang kanyang inang si Marjorie Barretto na ‘answered prayer’ daw ito ni Julia.
Sa isang panayam sa 21-year-old actress nang nasabing taon, sinabi niyang excited siya sa “for the furniture, for the interior design, and everything.” Ipinahayag din niya ang kagustuhang mag-design ng sariling walk-in closet.
Ipinapatayo ang nasabing dream house malapit sa kanilang family home. Pahayag ni Julia, “…I’m still gonna be in her house every day to eat there.”


Facebook Comments