Apat na Katao Nahuli Dahil sa Iligal Na Sugal!

Cauayan City, Isabela – Arestado ang apat na katao kahapon pasado alas singko ng hapon matapos na maaktuhan na naglalaro ng ipinagbabawal na sugal sa Minante 1, Cauayan City.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, kinilala ang mga nahuli na sina Omar Caamped, 49 taong gulang, may asawa; Jaime Sagucio 59 taong gulang , may asawa; Norlyn Octavaino, 24 taong gulang, walang asawa; at Charmane Reyes, 28 taong gulang , pawang mga residente ng Minante 1 Cauayan City.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, kaagad na nirespondehan ng kapulisan ang tawag na ipinaabot sa kanilang tanggapan mula sa isang concern citizen na umanoy may naglalaro ng iligal na sugal sa Zone 6, Minante 1 partikular sa isang tahanan ng nagngangalang Wilma Martinez.


Nakuha mismo sa pag-iingat ng apat na katao ang isang set ng baraha at kabuuang halaga na Php 2,384.00 bilang bet money.

Dinala agad sa himpilan ng PNP Cauayan ang mga suspek para sa kanilang kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon.

Facebook Comments