Manila, Philippines – Namonitor ng Department of National Defense ang ginagawang paglayag ng dredger ship ng China malapit sa Pagasa island sa West Philippine Sea.
Pero ayon kay Secretary Lorenzana, hindi pa nila ngayon alam kung saang eksakto patungo ang nasabing barko.
Nagpapatuloy lamang aniya ngayon ang regular na pagpapatrolya ng mga sundalo sa paligid ng Pagasa Island at nagsasagawa rin ng regular ng aerial patrol.
Nakakabahala raw kasi ito ayon kay Lorenzana, pero nakikipag-uganayan na raw sila sa China sa pamamagitan ang kanilang Embassy sa bansa at kanilang mga defense attaché.
Una nang kinumpirma ni Magdalo Representative Gary Alejano ang paglalayag ng 3 Chinese vessel isa hanggang limang nautical miles ang layo mula sa sandbars ng Pagasa island.
Sinabi pa ng kongresista na hindi na raw nakakapagtaka kung maging sa Pagasa island ay makita ang mga barko ng China dahil una nang inangkin ng mga ito ang Subi reef na sakop pa rin ng teritoryo ng bansa.