Malaysian terrorist Amin Baco, patay na at hindi lider ng Maute ISIS -AFP

Marawi City – Kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na may bago ng Emir ang ISIS sa South East Asia sa katauhan ng Malaysian terrorist na si Amin Baco.

Ito ay matapos na mapatay na kamakailan sa operasyon ng tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City si dating Emir ng ISIS sa South East Asia na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla Jr. naniniwala ang AFP na walang ng lider at wala ng direksyon ang Maute ISIS dahil para sa kanila napatay na noon pa si Amin Baco.


At ang labi nito ay subject ngayong ng aggressive search ng militar.

Nagpapatuloy naman ang clearing operation ng tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City para ma-neutralize ang mga natitira pang stragglers.

Facebook Comments