Matapos linisin ang isla ng Boracay at Manila bay, kasado na rin ang rehabilitation ng San Juan River, isa pangunahing river system ng Metro Manila at sangang ilog ng Pasig River.
Ang San Juan River, na dumadaloy mula Quezon City hanggang San Juan, Mandaluyong at Manila, ay isa sa pinakamaruming waterways
Nakipag-partner na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Aboitiz Group na nakatulong nito sa Boracay rehabilitation project.
Sa ilalim ng San Juan River Rehabilitation Plan, isasagawa ang dredging clean up activities sa naturang ilog.
Sa ilalim ng isang kasunduan, ang naturang kumpanya ang bahala sa equipment at materyales sa gagawing dredging at clean up drive.
Ang rehabilitation ng 11-kilometer San Juan River ay aabutin ng tatlong taon pero maaring palawigin kung kinakailangan.