2 patay sa banggaan ng motorsiklo sa Mapandan Pangasinan

428

Patay ang dalawang katao matapos ang banggaan ng dalawang motorskilo sa Brgy. Sta. Maria Mapandan Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng awtoridad nagkabanggaan ang motorsiklong minamaneho ni Melchizedick Dolor, 24 anyos at isa pang motorsiklo na minamaneho ng nag ngangalang Jopay.
Binabaybay umano ng isang motorsiklo ang Mapandan Town Proper at ang isa nama ay papuntang Manaoag Pangasinan at doon na nangyari ang bangaan.
Naging resulta ng banggaan ang pagkakatilapon ng dalawang backrider ng isang motorsiklo na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at dinala sa Mapandan Hospital.
Nagtamo naman ng malubhang sugat ang drayber at backrider ng isa pang motor na naging sanhi ng pagkakamatay ng biktimang si Jopay at Eddieboy Ramos.
Ang mga nasawi ay nagpositibo sa alcoholic breath test at sa ngayon patuloy ang imbestigasyo ng awtoridad.
Photo Credit: PNP Mapandan

Facebook Comments

From Advertisers