Inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasagawa ng dredging ng sandbars sa 19 priority sites sa Cagayan River.
Ito ang isa sa nakikitang solusyon ng ahensya para maiwasan ang malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, kailangang matanggal ang mga obstructions para maiwasang maulit ang pagbaha sa rehiyon lalo na sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Sa pamamagitan din ng dredging sa sandbars, mas aayos ang agos ng tubig habang inilalatag ang medium at long term solutions.
Kabilang sa mga ito ang pagtatayo ng flood control dams, revetment structures at reforestation sa watershed at easement areas.
Ang DENR ay co-chair ng Build Better Task Force kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).