DREDGING OPERATION NG LIMAHONG-AGNO RIVER, HILING NA MAIPAGPATULOY NA

Malaking tulong umano ang maidudulot ng pagdadraga ng kailugan sa mga coastal barangay ng Lingayen na dinadaluyan ng Limahong-Agno River.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangapisan North Brgy. Captain Johnamer Viray, noong 2008 pa nakabinbin ang pagdadraga sa naturang ilog na kung uusad ay ngayong 2025 lamang matutuloy.

Ayon sa opisyal, walang malinaw na konklusyon sa pagsasagawa ng dredging operation dahil sa ilang kasagutan na hindi masagot ng mga kontraktor sa dalawang ginanap na public scoping at consultation.

Sa kabila nito, daing ng mga coastal barangay na umusad na ang operasyon para sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa posibleng maitulong nito sa problemang dulot ng pagbaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments