Dredging sa isa sa tatlong prayoridad na Cagayan River sandbars, matatapos na sa Hulyo ayon sa DENR

Target na matapos na sa Hulyo ang isinasagawang dredging activities sa isa sa tatlong prayoridad na sandbars sa kahabaan ng Cagayan River.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, sa kabila ng pagpasok na ng panahon ng tag-ulan at mayroong pandemic, minamadali na nilang makumpleto sa ikatlong linggo ng Hulyo ang clearing ng sandbar sa Lal-lo, Cagayan.

Ani Cimatu, 74 percent ng kabuuang 11.4 hectares ng sandbar sa Lal-lo, Cagayan ang tapos nang hukayin.


Sinabi pa ni Cimatu na ipinadala na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang pinakamalaking excavating equipment at ang karagdagang lima pang high-capacity dredging equipment sa mga prayoridad na lugar sa kahabaan ng Cagayan River.

Ang ikatlong prayoridad na sandbar ay matatagpuan sa Barangay Casicallan Norte, sa bayan pa rin ng Gattaran.

Kinakailangan ang agarang dredging sa tatlong sandbars sa “Magapit narrows” dahil ito ang nagpapabagal ng daloy ng tubig baha sa Aparri Delta papuntang Babuyan Channel.

Facebook Comments