Dredging works sa Manila Bay, ini-schedule na

Manila, Philippines – Ini-schedule na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dredging activities o paghuhukay sa Manila Bay bilang bahagi pa rin ng rehabilitasyon nito.

Sabi ni DPWH Secretary Mark Villar, malapit nang maumpisahan ang dredging activities sa Manila Bay matapos makumpleto ang water survey o pagsusuri sa kalidad ng tubig dito.

Sa ngayon aniya ay nagsagawa na ang kanilang Bureau of Equipment ng bathymetric o depth measurement survey at ocular inspection sa Manila Bay at Navotas River.


Ang resulta nito aniya ang magiging basehan sa gagawing dredging activities sa mga susunod na linggo.

Ang paghuhukay ay isasagawa para matanggal ang mga burak sa Manila Bay.

Sa ngayon, tatlo ang itinakdang dredging sites ng DPWH kabilang na ang Navotas River at Estero de Vitas sa Tondo, Manila at ang paikot ng Manila Bay.

Facebook Comments