Hiniling ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pamahalaan na ituloy na muli ang nasuspindeng drilling activities sa Recto Bank.
Ang panawagan ay kasunod na rin ng terminasyon o pagtatapos sa negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa planong joint exploration sa West Philippine Sea.
Hinihikayat ng kongresista na alisin na ng Department of Health (DOH) ang suspension ng gas and oil drilling activities sa Recto Bank upang makakilos na ang mga pribadong kompanya para sa pag-develop naman ng nadiskubreng sampaguita gas sa may Recto Bank.
Matatandaang bago ang suspension order, binigyan ng Department of Energy (DOE) ang Forum Energy Limited hanggang Oktubre para i-drill ang dalawang commitment wells sa sampaguita sa halagang P5.4 billion.
Tinatayang nasa 3.5 hanggang 4.6 trillion cubic feet ng gas ang nadiskbure sa sampaguita gas na nagsu-supply ng 20 percent ng kuryente sa Luzon.
Una rito, nagbabala si Pimentel na mahaharap sa power shortage ang bansa dahil sa tinatayang pagkaubos ng langis sa Malampaya pagsapit ng 2027 at malaking tulong para sa power supply ang gas na makukuha sa sampaguita.