Ipinahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangang matutunan muna ng mga bagong senador ang paggawa ng batas bago humawak sa major committees.
Sinabi rin ni Drilon ay dapat irespeto ang “tradition and seniority” sa upper chamber ng Congress. Ang tradisyon pa rin ang magdidikta ng chairmanship ng committee.
“Of course, as I’ve said, it’s up to the majority whether or not they follow this tradition,” pahayag ni Drilon.
“But the incoming senators, maybe they should, as we say, learn the ropes first of how lawmaking in the Senate runs,” dagdag niya.
Una nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang newly elected senators ay interesadong humawak ng major committees.
Ang first-time senators ay sina Ronald “Bato” Dela Rosa, na dating chief ng Philippine National Police, dating Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Francis Tolentino at Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Sotto, interesadong pamunuan ni Imee Marcos ang “ways and means” committee o ang financial committee ngunit una nang sinabi ni Sotto na kay Senator Sonny Angara ito balak ibigay.
Gusto ring pamunuan ni Dela Rosa ang public order and dangerous drugs committee na ngayon ay hawak ni Senator Panfilo Lacson.
Habang kay Bong Go naman ay ang health committee na ngayon ay pinamumunuan ni Senator JV Ejercito.