Magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga drinking at health monitoring station sa pitong pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ito’y bilang tugon sa epekto ng tumitinding init ng panahon.
Sa abiso ng MMDA, itatayo ang mga drinking station sa EDSA Timog, EDSA Roxas Boulevard, EDSA Ortigas, EDSA Quezon Avenue, EDSA Oliveros, Commonwealth at C5 Ortigas.
Ang drinking at monitoring station ay hindi lamang sa mga tauhan ng MMDA kundi pati sa mga motorista at mga rider.
Bukod sa pagpapatupad 30-minute heat stroke break simula ngayong araw, March 15, magsasagawa rin ang MMDA ng lecture katuwang ang isang pribadong kompanya.
Layunin nito na mapag-usapan ang mga dapat gawin para makaiwas sa heat stroke gayundin ang kahalagahan ng pag inom ng tubig ngayon panahon ng tag-init.