𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢

Arestado sa paglabag sa RA 9165 si Denver Jurilla, mula sa Imus, Cavite ngunit kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Paitan West, Sual, matapos mahuli sa akto sa pagbebenta nito ng hinihinalang shabu na abot 0.4 grams at may market value na PHP 2,720.

Nakumpiska sa suspek ang buy bust money, tatlong pirasong bundle money at 0.3 grams ng hinihinalang shabu. Kabilang pa rito ang dalawang pirasong dried marijuana leaves na abot 13 grams at live ammunitions para sa caliber 22.

Samantalang nakatakas naman ang live in partner ng suspek na si Stephanie Orpilla, na sakay ng motor matapos matunugan ang pagdating ng awtoridad. Pinaniniwalaang pauwi ito sa Alaminos City. Kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Sita ang PNP Alaminos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments