Drive-Inn Hotels sa Cauayan City, Sasailalim sa Pagdinig ng Konseho!

160

*Cauayan City, Isabela*- Plano ng konseho sa Lungsod ng Cauayan na ipatawag ang lahat ng nagmamay-ari ng mga hotels hinggil sa ilang reklamo na nagpupunta umano ang mga estudyante na nakauniporme sa nasabing mga establisyimento.

Nakatanggap umano si LNB President Victor Dy, Jr. mula sa isang concern citizen kaugnay sa mga estudyanteng aktwal na nakikita sa mga hotels.


Ayon kay Dy, itoy upang maiwasan ang hindi magandang sitwasyong mangyari sa mga estudyante sa pagpasok sa mga hotels.

Iginiit pa nito na kailangan na protektahan ang mga kabataan sa ganitong uri ng sitwasyon.

Inaasahan naman na maaamyendahan ang ordinansa kaugnay sa mga establisyimento na babalangkas naman para sa mahigpit na pagpapatuloy sa mga estudyante habang nakauniporme.

Isa umano ang Cauayan City sa may maraming bilang ng mga drive-inn hotels sa Isabela.




Facebook Comments