Mga Iligal na Pinutol na Kahoy, Nasabat sa Lungsod ng Cauayan!

87

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang lalaki matapos na masabat sa pagpupuslit ng mga iligal na pinutol na kahoy partikular sa Public Market sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jeffrey Aquino, 48 anyos, may-asawa, isang drayber at residente ng Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela.


Nahuli si Aquino ng mga nakabantay na barangay Tanod sa kanilang outpost sa pambansang lansangan ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City matapos mamataan ang minamaneho nitong truck na may plakang PJH 714 na may kargang tinatayang nasa 3,000 boardfeet ng kahoy at bigong makapagpakita ng mga kaukulang dokumento.

Itinurn-over na sa himpilan ng PNP Cauayan ang suspek maging ang mga narekober na kahoy para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments