Drive-Thru Store at Restaurant sa Organikong Pagkain, Inilunsad ng DA region 2

Cauayan City, Isabela- Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang ‘Drive-Thru Store and Restaurant’ katuwang ang Amancio Agri-Tourism Academy (AATA) Inc. maging ang ilang unibersidad gaya ng Nueva Vizcaya State University (NVSU), Isabela State University (ISU) at Agricultural Training Institute kasama rin ang local and national government agencies.

Matatagpuan ang binansagang Amancio Nicolas Farm Restaurant sa Brgy. Caquilingan sa bayan ng Cordon, Isabela na tiyak na ang presyo sa abot-kayang halaga para sa mga organic foods na hindi lamang sa mga local travellers maging sa foreign.

Inihayag naman ni Noemi Liangco na sa kabila ng naranasang ulan at tag-araw ay hindi hadlang ang pagsasaayos ng nasabing pasilidad para sa nais magtungo at tikman ang iba’t ibang organic foods.


Nais din ni Liangco na maging inspirasyon para sa publiko, bata at matatanda na mahalin at tangkilikin ang mga agricultural food.

Ayon naman kay Regional Executive Director Narciso Edillo, patunay lamang ito ng pagpapakita ng suporta ng pribadong sektor sa usapin ng agrikultura lalo pa’t nahaharap ang lahat pandemya.

Ang AATA ay bahagi rin ng Dairy and Produce farm ng kumpanya na pag-aari ng mga Liangco.

Nasa 60 ektarya ng lupain ng Amancio Farm ang kasalukuyang umaarangkada para sa implementasyon ng agriculture products partikular ang pagpapalaki ng mga alagang hayop gaya ng native chickens, pigs,carabao, Murrah dairy buffalos,sheep at goats.

Bukas din ang akademya para sa mga nais matuto sa livestock farming na walang pangamba para sa kapaligiran.

Bilang suporta, ang DA at ATI ay nagkaloob ng technical services at agricultural inputs habang ang mga SUCs ay nagkaloob ng pagsasanay para sa proseso at packaging sa mga produkto.

Saksi rin ang mga presidente ng nasabing mga unibersidad sa rehiyon dos.

Facebook Comments