Umarangkada na ngayong araw ang inilagay na Drive Thru-Vaccination ng Department of Health (DOH) at lokal na pamahalaan ng Baguio City sa Central Triage Area ng convention center sa naturang lungsod.
Layon nito na mas mabilis na makapagpabakuna ang mga estudyante.
Bukas ang aktibidad mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon para dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mabakunahan kontra COVID-19.
Ang Drive Thru-Vaccination na ito sa lungsod ng Baguio ay isang araw lamang ang itatagal at pag-aaralan pa nila kung maaaring palawigin.
Bahagi pa rin ito ng PinasLakas Campaign ng DOH, DepEd at iba pang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa vaccination drive ng gobyerno.
Facebook Comments