Drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand, isinagawa ng 24 hours ng lokal na pamahalaan

Para magtuloy-tuloy at maserbisyuhan ang lahat ng mga 4-wheel vehicles, isinagawang ng 24-hours ang drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Nabatid na napag-desisyunan ito ni Mayor Isko Moreno upang hindi masayang ang pagpunta ng mga indibidwal na nais maturukan ng booster shots kontra COVID-19.

Napansin rin kasi ng alkalde ang biglang pagdagsa ng mga motorista na nais mabakunahan ng booster kaya’t isinagawa na niya itong 24-oras.


Kaugnay nito, wala ng limit o hindi na nagtakda ng cut-off ang Manila Local Government Unit (LGU) para ma-serbisyuhan ang lahat ng magtutungo sa booster vaccination drive-thru caravan.

Muli rin iginiit ni Mayor Isko na bukas ito sa publiko at tatanggapin din dito ang mga hindi residente ng lungsod ng Maynila basta’t may hawak silang mga vaccination card mula sa lokal na pamahalaan kung saan sila nagmula.

Para mabilis naman ang proseso, hinihimok ng Manila Health Department at ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang magpapabakuna na mag-parehistro sa Manila COVAX upang makakuha ng QR Code.

Facebook Comments