Mahigit 30 na mga PUV driver na lumabag sa alituntunin ng DOTr sa panahon ng Alert Level 3 inisyuhan na ng show cause order ng LTO para magpaliwanag

69

Pinagpapaliwanag nang Land Transportation Office (LTO) ang 32 mga pasaway na driver makaraang lumabag sa mga alintuntunin ng Department of Transportation (DOTr) sa panahon ng Alert Level 3 status ng Metro Manila.

Pinayuhan ng LTO ang mga driver ng pampublikong transportasyon na huwag maging pasaway sa kanilang pagmamaneho sa Metro Manila.

Paliwanag ng LTO, ang kanilang ginawanag pag-iisyu ng show cause order ay dahil na rin ito sa paglabag sa COVID-19 safety rules at mga alituntunin ng DOTr sa panahong nasa Alert Level 3 ang status ng Metro Manila.


Ayon sa LTO, lahat ng nahuling driver at operators ay inisyuhan na ng show cause order para magpaliwanag.

Kasama rin sa nahuli ang isang driver na napag-alamang gumamit ng ilegal na droga bago nagmaneho ng sasakyan.

Facebook Comments