Drive-thru vaccination, suportado ni Pangulong Duterte

Kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inisyatibo ng ilang Local Government Units (LGU) na magsagawa ng drive-thru vaccination.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque hinggil sa inilunsad na drive-thru vaccination project ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa kalihim, bago pa man ito gawin ni VP Leni ay nauna na ang Imus, Cavite LGU.


Sinabi ni Roque na ang kauna-unahang drive-through vaccination ng Imus, Cavite LGU ay suportado ng Pangulo dahil binili ng pamahalaan ang mga bakuna para sa mga Pilipino.

Ani Roque, ang pamamaraan na ito ay makahihikayat upang mas marami tayong mga kababayan ang makapagbakuna na siyang susi sa pagkamit ng population protection.

Giit pa ng kalihim, ang drive-thru vaccination ng Imus Cavite LGU ay partnership kasama ang pribadong sektor.

Pagkatapos sa Imus, magkakaroon din ng drive-thru vaccination sa Bacolod, Iloilo, Tagum City at Valencia sa Bukidnon.

Facebook Comments