Driver, arestado dahil sa iligal na droga sa Marikina City

Manila, Philippines – Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Marikina Station Drug Enforcement Unit Intelligence Division AT SWAT team ang isang uber driver na drug pusher sa Marikina City.

Hindi na nakapalag pa ng damputin ang suspek na si Gerald Maralit alayas Garry 44 anyos.

Ginawa ang operasyon sa bisa na rin ng search warrant ng korte sa mismong bahay ni Maralit sa number 44 London St. phase 1 Greenland Subdivision Brgy. Nangka Marikina.


Pag pasok palang ng mga owtoridad, nagulantang agad ang mga suspek dahil inabutan pa silang bumabatak ng shabu.

Dahil dito arestado din ang mga kasamahan nito na sina Noer Nora, Christopher Ernandez at isang John Istarez.

Bukod sa mga drug paraphernalia nasamsam din ang hinihinalang shabu na nasa 60 gramo.

Facebook Comments