2 patay, sa pamamaril sa Navotas

Manila, Philippines – Patay ang 2 lalaki matapos pag babarilin ng mga hindi nakilalang mga salarin sa Navotas City.

Natagpuang nakabulagta ang mga biktima sa loob ng bahay sa Pantalan Uno Brgy. Tangos sa nasabing siyudad.

Tadtad ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na nakilalang sina Christopher Roque 40 at Tony Santos alyas Pilay.


Ayon mga residente hindi bababa sa 5 armadong lalaki na nakatakip ang mukha ang pumasok sa pinakalooban at iskinita para hanapin sila Roque at Santos.

Aminado si Antonet anak ng isa sa biktima na nag bebenta ng droga ang ama at ito lang ang tanging motibo sa krimen.

Paliwanag pa ni Antonet kulang ang naerimit na pera ng kanyang tatay sa katransaksyon sa shabu kaya nag banta ito na babalikan si Roque.

Napag-alamanan pa na nakitulog lang si Santos sa nasabing bahay matapos makipag inuman at sinabayan pa ng pag batak ng shabu.

Facebook Comments