Batay sa ulat ng pulisya, kapwa patungong timog ang tricycle at ang kotse, kung saan nauuna ang tricycle.
Bahagi ng sidecar nito ang nasa gilid ng kalsada habang ang motorsiklo ay nasa mismong highway.
Sa pag-overtake ng kotse sa shoulder ng kalsada, aksidente nitong nasagi ang side wheel ng tricycle.
Dahil sa insidente, nagtamo ng minor injuries ang driver ng tricycle at ang pasahero nitong menor de edad, habang hindi naman nasaktan ang driver ng kotse.
Parehong nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan na patuloy pang tinataya ang halaga.
Matapos ang banggaan, mabilis umanong tumakas ang driver ng kotse patungong timog.
Gayunman, isang residente ng Banayoyo, Ilocos Sur ang humabol sa sasakyan at humingi ng tulong sa mga awtoridad pagdating sa Candon City, na nagresulta sa pagkaharang sa kotse.
Dinala ang parehong sasakyan sa Santiago Police Station para sa tamang disposisyon, habang isinugod naman sa Candon General Hospital ang mga nasaktan para sa agarang medikal na atensyon.







