Driver /Bodyguard Ni Sen. Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan Na Ikinulong Sa Senado, Pinauwi Na

5

MANILA – Pinauwi na ng senado ang dating driver/bodyguard at karelasyon ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Si Dayan ay pansamantalang naditine sa senado simula kahapon matapos na ito ay mai-cite in contempt dahil sa umanoy pagsisinungaling at paiba -ibang pahayag kaugnay sa ilegal drug trade.Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Panfilo Lacson, pinauwi nila si Dayan para bigyan ito ng pagkakataon na makapag-isip ng mabuti at makapagpahinga.Pinahintulutan din aniya ni senate President Koko Pimentel ang pagpapauwi kay dayan na pina-eskortan nila sa philippine national police.May mga bago rin aniya silang natuklasan sa testimonya ni dayankabilang na ang pagtanggap ng pera kina dating national bureau of investigation deputy director rafael ragos at dating bureau of corrections director franklin bucayu na hindi dati binanggit sa kamara.Tiniyak naman ni dayan na maglalahad ito ng mga bagong impormasyon sa susunod na pagdinig.

Facebook Comments