Nagbitiw Na Prime Minister Ng Italya, Mananatili Sa Pwesto

9

ITALY – Kinumpirma ni Italian President Sergio Mattarella na mananatili muna sa kanyang puwesto si outgoing Italian Prime Minister Matteo Renzi.Ang pagkaka-delay ng resignation ni Renzi ay hanggang sa maipasa ng kanilang senado ang 2017 budget sa mga susunod na araw.Pinag-aaralan pa rin kasi ng Italian President kung magtatalaga ng bagong punong ministro o magpapatawag ng early elections.Ang pagbaba sa puwesto ng Italian Prime Minister ay kasunod ng pagkatalo sa ginanap na referendum para sa constitutional reform sa kanilang bansa.

Facebook Comments