Driver na sumagasa sa isang security guard, dapat ikulong at isailalim sa drug test ng PDEA

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Philippine National Police (PNP) at sa abogado ng driver ng SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City na sundin ang ipinag-uutos ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Law.

Tinukoy ni Sotto na sa ilalim ng batas ay dapat isailalim ang driver na si Jose Antonio Sanvicente sa five-way drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at hindi drug test sa tabi-tabi lang.

Una rito ay nagpahayag din ng pagkadismaya si Sotto na nananatiling malaya si Sanvicente sa kabila ng pag-amin nito sa pagsagasa sa biktima.


Sa kaniyang tweet ay ipinunto ni Sotto na kapag mahirap ang nagnakaw ng bayabas ay nakukulong agad.

Ang kanyang mensahe ay may kaakibat na tanong sa pangulo kung ano na ang nangyayari sa ating bansa.

Facebook Comments