Bagong BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, pormal nang nanumpa kay BSP Governor Ben Diokno

120

Pormal nang nanumpa kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno si bagong BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat.

Si Puyat ang ikalimang deputy governor ng BSP kung saan siya rin ang magiging vice chair ng Philippine International Convention Center Board of Directors

Bukod dito, siya rin ang hahalili kay Governor Diokno sa ilang piling governing boards


Si Puyat din ang siyang mangangasiwa sa Program Management Office sa bagong BSP complex sa New Clark City, gayundin sa BSP regional operations.

Facebook Comments