Driver naka Tulog!

Baguio, Philippines – Siguraduhing tama ang pahinga at kumpleto ang tulog bago bumyahe.

Isang trahedya na naman ang naging sanhi ng traffic sa Kennon Road Baguio City dahil sa naka idlip umano ang driver ng L300 van.

Naging sunod sunod ang mga aksidente na naitala sa Kennon Road, kama-kailan lang ay isang Van din ang na aksidente dahil sa nabagsakan ito ng isang malaking tipak ng bato, at ngayon lang 1:15 ng hapon ay naitala naman ang pagkaka aksidente ng isang van at bumungga ito sa may view deck.


Maging aral sana ito sa ating lahat lalo na sa mga driver, kung ndi naman nag mamadali ay itabi muna ang sasakyan at ipahinga ang mata, dahil iisa lang ang buhay idol.

Ikaw Idol, paano ba maiiwasan ang ganitong aksidente?

Facebook Comments