iFM Laoag – Inilagay sa self quarantine ang ilang mga pasaherong nahanap na ng provincial health office na sakay ng bus na galing sa metro manila noong Marso 14 na hinihinalang may Corona Virus Respiratory Disease 2019 o COVID 19 sa Ilocos Norte.
Ayun kay Dr. Josephine Ruedas, Provincial Health Officer ng Ilocos Norte na nahanap na nila ang ilan ng pasahero mula sa bayan ng San Nicolas at bayan ng Sarrat at kinausap na ang mga ito sa pagsasagawa nila ng istriktong “home quarantine.”
Dagdag pa ni Ruedas, kasama na rin na inlagay sa self-quarantine ang mga nakasalamuha ng mga ito lalo na ang kanilang mga pamilya upang hindi na makahawa pa ng iba kung sakaling mag-positibo ang resulta ng examination sa nasabing driver ng bus.
Maalalang mismong si Ilocos Sur Governor Ryan Singson ang nagpahayag na highly probable case ng COVID-19 ang bus driver na mula sa bayan ng Magsinggal, Ilocos Sur na driver ng Maria De Leon Bus #29 na nanggaling sa metro manila noong Marso 14 na pumunta sa lungsod ng Laoag.
Sa ngayon, mabuti na ang kalagayan ng driver. Hinihintay pa ang resulta ng test ng nito kung ito ay positibo o hindi mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Gayun pa man, nananatiling Zero case ng COVID-19 ang lalawigan ng Ilocos Norte samantalang 11 namang Patients Under Investigation sa lalawigan ng Ilocos Sur.
– Bernard Ver, RMN News