Driver ng multicab biktima ng holdap, kinita natangay

Isang driver ng pampasaherong multicab ang dumulog kahapon sa PP2 matapos itong mabiktima ng panghoholdap.Kinilala ang biktima sa pangalang Rahib Usman 32 anyos na resident eng barangay Bagua dos ng Lungsod. Batay sa kanyang salaysay sa kapulisan, bandang alas dos ng hapon kahapon pagsapit nila sa tapat ng Notre Dame hospital ay nagulat na lamang daw siya ng bigla siyang tutukan ng baril ng kanyang pasahero na nakaupo sa likuran at sabay deklara ng holdap. Walang nagawa ang biktima kundi ibgay ang kanyang kinita na 585 pesos at pitaka na naglalaman ng driver license at iba pang mga ID..Matapos makulimbat ang kanyang pera ay mabilis na bumaba ang holdaper at tumakas patungo sa Malagapas area.Ang kasong ito ay patuloy namang pinafollow-up ng PP2.

Facebook Comments