Driver ng naaksidenteng bus sa Carranglan, Nueva Ecija – nagnegatibo sa paggamit ng iligal na droga

34

Manila, Philippines – Nagnegatibo sa ipinagbabawal na gamot ang driver ng naaksidenteng Leomaric bus matapos sumailaim sa drug test.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at tagapagsalita ng LTFRB – negatibo sa shabu at marijuana ang bangkay ni Rolando Mangaoang.

Si Mangaoang ay kasama sa 35 kataong nasawi matapos mahulog ang minamanehong bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Isinagawa ang drug test kahit patay na ang biktima matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa LTFRB.

Nais kasing matukoy ng Pangulo kung lango ba sa bawal na gamot ang driver ng bus bago nangyari ang malagim na aksidente.

Facebook Comments