Davao Death Squad self-confessed leader na si SPO3 Arthur Lascañas, hindi pa siguradong makakabalik ng Pilipinas sa Sabado

17

Manila, Philippines – Nilinaw ni self-confessed davao Death Squad Leader Arturo Lascañas na hindi pa sila nagkikita ulit ni Senator Antonio Trillanes simula nang umalis siya sa Pilipinas.

Ayon kay Lascañas, totoong may tumutulong sa kanya pero hindi niya ito puwedeng pangalanan.

Sabi pa nito, hindi naman siya nagtatago sa Singapore pero kinailangan niyang umalis sa bansa dahil sa pangamba sa kanyang buhay kung saan nakakatulog aniya siya ngayon ng kahit 16 oras.

Aminado naman si Lascañas na hindi niya alam kung mayroong mga taga-Liberal Party ang tumutulong sa kanya at sa kanyang mga gastusin.

Binigyang diin pa ni Lascañas na pangarap niyang magkaroon ng normal na buhay pero naniniwala siyang hindi niya ito makukuha sa Duterte administration.
Kasabay nito ay inamin ni Lascañas na hindi siya sigurado ngayon kung makakabalik siya ng Pilipinas sa Sabado (April 22).

Facebook Comments