Driver ng “red Ferrari” na pumasok sa EDSA bus lane, pinagmulta at sinuspinde ng LTO

Pinagmulta at sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya sa pagmamaneho ng driver ng pulang Ferrari na pumasok sa EDSA bus lane.

Sa pinalabas na resolusyon ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) na pirmado ni LTO Chief Teofilo Guadiz III, dapat managot ang driver dahil sa administratibong paglabag nito partikular na ng disregarding traffic sign.

Inilabas ng ahensya ang desisyon kasunod na rin ng kabiguan nitong sumipot sa magkasunod na pagpapatawag ng LTO.


Maliban sa multa, suspendido rin ng 90 days ang lisensya sa pagmamaneho nito.

Bukod dito, isinailalim din sa alarma ang pulang Ferrari F8 tributo na may plakang NEM 8999.

Ibig sabihin, mananatili ang alarma hanggang hindi binabanggit ng may-ari ng sasakyan ang pangalan ng driver nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments