SAPAT ANG SUPLAY NG LOKAL NA ISDA SA PILIPINAS SA KABILA NG PAGDAAN NG BAGYONG PAENG

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Pamalakaya Pilipinas President Fernando Ficap, sinabi nito na hindi naman nabibitin ang suplay ng isda kahit na may mga dumaan na bagyo.
Bagamat nahirapan aniya ang mga mangingisda, hindi pa rin maiiwasan ang mga ito dahil sa hirap ng buhay.
May mga ilan pa aniya silang kasama na nasiraan ng bangka dahil sa pagdaan ng bagyo.

Mga mangingisda lamang ang apektado at hindi ang suplay ng isda kapag may dumadaang bagyo. |ifmnews
Facebook Comments