Nagsimula nang makatanggap ng P4,000 tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang tugon pamahalaang sa epekto ng Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID-19.
Sa unang pagbibigay na isinagawa sa halos 700 kasapi ng iba’t ibang toda sa lungsod nakatanggap sila ng P4,000 tulong pinansiyal.
Nabatid na ginawa ang distribusyon per batch at mahigpit na nagpatupad ng social distancing upang masiguro ang kaligtasan ng mga drivers.
Ang natitirang miyembro naman ay inaasahang makakatanggap ng kaparehong halaga sa mga susunod na araw.
Mahigit sa 15,000 myembro ng mga asosyayon ng traysikel operator at drayber, jeepney operator at drayber, pedicab operator at drayber ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod.
Sa susunod na buwan ay mamimigay muli ng karagdagang P4,000.
Inaasahang makasasapat ang P4,000 sa mga pangunahing gastusin ng pamilya sa gitna ng banta ng COVID-19 kung saan hiwalay pa ito sa tulong na food packs na nauna nang ipinamahagi ng Lungsod ng Taguig .