DRIVER-ONLY POLICY | Dry run ng MMDA, posibleng gawin sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa susunod na Linggo, posibleng gawin na ang dry run para sa isinusulong na single passenger vehicle scheme sa edsa ng MMDA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – tinatapos lang nila ang mga guideline para sa nasabing polisiya na target maipatupad sa huling bahagi ng Agosto.

Sa ilalim nito, bawal nang bumiyahe sa kahabaan ng EDSA ang mga sasakyang driver lang ang sakay tuwing rush hour.


Pero sakaling hindi maging epektibo, sinabi ni Garcia na hindi nila ipipilit ang driver-only policy.

Inamin din ng opisyal na “short-term solution” lang ang polisiya.

Kapag natapos na ang build build build program ng gobyerno, tiyak na giginhawa na rin aniya ang sitwasyon sa mga lansangan.

Facebook Comments