Driver patay 3 sugatan sa road accident sa Makilala North Cotabato

Agad nasawi ang drayber ng dumptruck ng ito ay sumalpok sa sinusundang ten-wheeler truck sa highway ng Patulangon sa bayan ng Makilala, North Cotabato dakong alas-dose beinte ng madaling araw kanina. (March 3).
Kinilala sa report ang ang nasawi na si Alvin de Asis Alipato, 26 anyos, residente ng Trento, Agusan del Sur habang sugatan naman ang tatlong pahinante na sakay ng dumptruck at silay isinugod sa Makilala Medical Specialist Hospital.
Dumadausdos ang dumptruck sa ginagawang tulay at bumangga sa hulihang bahagi ng 10-wheeler truck. Ligtas naman ang drayber at mga pahintante ng 10-wheeler truck na may kargang 500 sako ng abono .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments