Simula ngayong buwan ng Agosto, kailangang sumailalim na sa 15 hour theoretical driving hours ang sino mang naghahangad na kumuha ng Student Permit sa Land Transportation Office.
Ito ang napag-alaman mula mismo kay LTO Region 12 Director Macario Gonzaga sa naging panayam ng DXMY.
Sa Region 12 mayroon aniyang 42 Accredited Driving Schools habang sa Cotabato City ay nagbukas na rin ang 2 Driving Schools mula sa 9 na Accredited Driving Schools dagdag pa ni Director Macario.
Kaugnay nito ang mismong ang accredited driving schools na ang magpoforward o magpoproseso ng Student Permit ng aplikante sa tanggapan ng LTO, habang sa LTO Office naman irerelease ang SP. Nasa P 317 ang SP Fee.
Maari rin aniyang iproseso bilang Non- Prof Drivers License ang SP matapos ang isang buwan.
Samantala, para maiwasan ang disgrasya habang nagmamaneho sa mga kalsada ang isa sa pinakapangunahing rason kung bakit kinakailangan pa ngayong sumailalim sa driving lesson ang isang aplikante ng SP giit pa ni Director Gonzaga.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>