Driving Schools sa Isabela, Posibleng dagsain sa Pagkuha ng bagong Lisensya

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 9 na driving schools ang accredited ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) Isabela na inaasahang dadagsain ng publiko para sa driving course bago makakuha ng student permit ang mga magpapatala sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Ayon kay Ginang Priscila Diego, TESDA Specialist, hindi rin malinaw sa panig ng kanilang ahensya ang usapin ng accreditation ng mga driving schools kaya’t inaasahan na magpupulong ang mga ito para talakayin ang posibleng pagkuha ng theoretical driving course ng publiko sa mga TESDA Accredited.

 

 

Matatandaan na require na ngayon para sa mga kukuha ng student permit ang15-hour Theoretical Driving Course.


 

 

Simula Agosto 3, mabibigyan lamang ng permit ang publiko na mayroong driving course completion certificates.

 

 

Bukod dito, ang mga nag-expired na lisensya ay kinakailangan na makakuha muna ng sertipikasyon sa mga accredited driving school’s ng TESDA at LTO para sa bagong lisensya.

 

 

Para naman sa Professional at non-professional driver’s license ay kinakailangan na magkaroon muna ng Practical Driving Course (PDC) Certificates.

Facebook Comments