Nag-deploy ang pamahalaan ng drones sa Cebu City para magamit sa pagbabantay sa mga residente sa gitna ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa 11 drones ang ginagamit ng mga tauhan ng Cebu City Police Office para i-monitor ang sitwasyon kung saan maraming naitatalang paglabag sa quarantine protocols.
Aniya, inaprubahan ni Central Visayas Police Director, Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro ang deployment ng mga drone.
Kapag may nakitang paglabag sa pamamagitan ng drone, ang impormasyon ay agad malalaman ng ground troopers para agad rumesponde.
Sinabi ni Eleazar ang mga weak point ng quarantine control points at mga lugar na may mataas na quarantine violations ay binabantayan na ng Special Action Force (SAF).
Mayroon ding command and control vehicle ng SAF ang nakatalaga sa ilang strategic areas sa Cebu City.