Drop Points Area para sa mga Donasyon sa Tuguegarao City, Ibinahagi

Cauayan City, Isabela- Epektibo na ngayong araw, Decemebr 1, 2020 ang bagong executive order na ipinalabas ng Tuguegarao City government para sa mga magdadala ng tulong at donasyon sa Lungsod.

Batay sa Executive Order na pirmado ni City Mayor Jefferson Soriano, mayroon na lamang tatlong drop points sa Lungsod ang maaaring pagdalhan ng mga tulong para sa relief operations.

Halimbawa na lamang kung ang tulong ay idederetso sa Tuguegarao City Government ay ipapasakamay na lamang ang mga ito sa Lokal na pamahalaan.
Para naman sa mga private individuals ay maaari nang dadalhin sa tatlong drop area sa Lungsod tulad ng Namabbalan, Carig at Buntun area.


Ito ay upang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon at distribusyon ng mga nasabing ayuda.

Samantala, ipagbabawal na rin sa Lungsod ang paggamit ng plastic lalo na sa mga pamilihan bilang tulong at proteksyon na rin sa kapaligiran at kalikasan.

Ang mga lalabag ay maaaring mapatawan ng multa na nagkakahalaga mula sa P500 hanggang P5,000 at posibleng makulong o matanggalan ng lisensya ang stall owner.

Facebook Comments