DRRMO ng Muntinlupa City, nagsagawa ng community disinfection sa Block 35, Brgy. Putatan

Dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Block 35 Excess Lot, Soldiers Hill Village, Barangay Putatan, nagsagawa ng community disinfection ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa.

Sa nasabing lugar, kasama ring dinisinfect ang Soldiers Hill Village Covered Court at ang Soldiers Hill Village main road.

Kahapon, isinailalim sa Enhanced Localized Community Quarantine (ELCQ) ang naturang area ng Barangay Putatan, upang maisagawa ang contact tracing, isolation, disinfection at para ma-contain ang virus sa lugar.


Ang Block 35 Excess Lot Soldiers Hill Village ay ang pangatlong lugar na sa Muntinlupa City na sumailalim sa total lockdown ngayong buwan.

Dinisinfect din ang dalawang city bus, dalawang city coaster at tatlong flexi truck na ginagamit bilang free shuttle services ng Muntinlupa City Government.

Facebook Comments