DRUG CASE | 2 lalaki, arestado ng NBI sa Las Pinas City

Las Pinas City – Arestado ng NBI ang dalawang lalaking sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa Manuyo, Las Pinas City.

Target sana ng NBI sa operasyon ang isang Adrian Cristobal na sangkot sa pagbebenta ng shabu at high grade marijuana sa lugar.

Gayunman, nakatakas si Cristobal subalit nadakip naman ng mga otoridad ang dalawang mga tauhan nito na sina Arlan Eugenio at Alvin de Guzman.


Narekober ng NBI sa operasyon ang mga tuyong dahon ng high grade marijuana, marijuana seeds at drug paraphernalia.

Isinailalilim na sa inquest proceedings sa Las Pinas City Prosecutor’s Office ang mga naaresto habang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Cristobal.

Facebook Comments