Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI ang mga miyembro ng National Prosecution Service (NPS) na nag-absuwelto kina Peter Lim at Kerwin Espinosa sa drug case. Partikular na pinadedetermina ni Aguirre sa gagawing case build-up ng NBI kung nagkaroon ng misfeasance, malfeasance o non-feasance ang panel of prosecutors. Nais din malaman ni Aguirre kung nagkaroon ng iba pang paglabag sa batas ang mga miyembro ng NPS. Inatasan din ng kalihim ang NBI na magsumite ng report sa kanyang tanggapan sa takbo ng gagawin nilang imbestigasyon. Nakasaad din sa Department Order 152 ni Aguirre na kailangang magsampa ng kaso ang NBI laban mga miyembro ng panel of prosecutors na nagbasura ng drug case laban kina Lim, Espinosa, Peter Co, Max Miro, Lovely Impal, Marcelo Adorco, Ruel Malindagan, Jun Pepito at iba pa , oras na may makita silang ebidensya laban sa mga ito. Una na ring pinangalanan ni Aguirre ang bagong panel of prosecutors na hahawak sa motion for reconsideration ng PNP-CIDG-MCIU.
DRUG CASE | Hahawak sa Motion for Reconsideration sa pagkaka-absuwelto nina Peter Lim at Kerwin Espinosa, pinangalanan na ni SOJ Aguirre
Facebook Comments