DRUG CASE | Justice Secretary Vitaliano Aguirre, humingi ng tawad

Manila, Philippines – Humingi ng patawad si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa DOJ prosecutors na pina-iimbestigahan niya sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagkakabasura sa drug case ng grupo nina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ayon kay Aguirre, ang kaniyang pagpapaimbestiga ay hindi lamang para sa proteksyon ng office of the secretary kundi maging ng mga piskal mismo.

Layon din nito na mapatunayan sa publiko na wala silang itinatago at ang ginagawang desisyon ng DOJ prosecutors ay dumadaan sa tamang proseso.


Batid niya aniyang nasaktan ang mga pinaiimbestigahan niyang piskal at maling pagdudahan niya ang integridad ng mga ito kaya humihingi siya ng patawad.

Iginiit din ni Aguirre na misinformed siya sa insidente kaya nagpaliwanag mismo siya sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments